wow naman,.
isang sem na yung natapos ko..
seven more sems to go.. (kung wala akong bagsak. :)) )
hindi mo pala mamamalayan ang oras kapag college..
lalo na kapag nasa malayong lugar ka..
konti lang kasi ang iniisip mo..
wala gaanong problema..
puro paperworks at acads lang talaga..
ang solemn din naman kasi kapag walang mga batang umiistorbo sa pag-aaral mo, diba?
wala ka na kasing iisiping ibang tao..
ikaw lang, sarili mo lang..
sa isang buong sem na natapos ko dito sa Unibersidad ng Pilipinas Baguio, sobrang dami kong natutunan..
hindi lang sa acads pero sa buhay na rin..
natutunan ko na hindi naman pala talaga ganun ka-seryoso ang buhay kolehiyo..
may mga oras parin na maari mong ilaan para sa sarili mo..
kung andito ka sa Baguio.. yung mga oras na yun, pwede mo gugulin sa paguukay sa session, ice cream sa session, gala sa burnham, kain ng fishball kay manong fishball, tambay sa sm, shot sa bahay ng blocmate, upo sa bar, overnyt sa second floor ng victory liner at kung anu anu pa..
marami na akong first times dito.. marami na akong natutunan dito..
sa tingin ko, hindi ko magagawang iwan ang UPBaguio..
sa araw araw ko dito, hindi ko ninais na malipat pa sa ibang parte ng UPSystem..
anu pa nga ba hahanapin mo?
konti lang kami sa campus dito, kaya tutok ang mga prof..
maliit lang ang campus, kaya madali ang student activities..
magagaling at mababait ang mga prof, madali ka matututo..
may dalawang canteen, lower at upper, masarap!!!! panu ka magugutom..
organized ang mga frats, soros at orgs..
maayos din ang student council..
at marami pang iba...............
kung ako ang tatanungin, ano nga ba ang favorite place ko sa UPB..?
siguro sa courtA, kay Inang Laya..
ang ganda kasi ee.. tago.. nature ang makikita.. at syempre yung mga naglalaro ng basketball.. sino nga ba yung naglalarong yun na pinapanuod ko?
sino pa ba..... edi mga blocmates ko.. kala mo kung sino noh?
tsk tsk tsk.. nagkakamali ka..
oo nga pala, hinding hindi ko makakalimutan yung mga bagong kaibigan na nakita ko dito..
nung una, akala ko magiging loner ako.. mahirap kasi mag-adjust sa ganito ee.. yung wala ka pang kakilala..
pero nung may na-meet akong friend, nagbago na lahat.. ang saya.. ang dami ko ng friends. :)
hindi nagiging lonely ang buhay ko dito..
lalo na yung isa kong friend na supeeeeeeeeeer ka-close ko.. :)
at yung madami kong friends.. :)
niel, lee, dad, tito arvin, tito flor, cha, lui at madaaami pang iba.. wieeee...
may friends na nga, may mga astig na prof pa..
may prof na isang text mo lang na shot, e ayan na agad.. ang astig talaga!!
may isang prof na sobrang bait!! may candy lagi after ng LE..
may isang prof naman na ayaw ng iba.. well, oo kasamanako dun.. ulikba daw oh..
mayron din naman na super cool sa lecture.. hirap nga lang ng exam.. pero ok lang yung last exam.. pasko na..
yung isa naman maraming absences, pero nung una lang.. after ng first few meetings, ayun umariba na ang attendance..
eto pa, super astig na kapag lecture niyo na, sulat ka ng sulat ng sulat................. til infinity..
hahaha.. yan palang naman mga nagiging prof ko..
sorry naman.. freshie palang..
kapag medyo tumagal tagal ako ng konti, marami pa kong new experiences at profs na makakasalubong..
ano pa ba?
hmm.. buhay boarding house..
masaya naman..
astig mga housemates ko! hehehe..
astig din ang rules dito.. hindi nasusunod!! yown!
isang sem palang ako dito pero ang saya na close na kami.. :)
hindi naman super close pero ok ok na kami sa isa't isa..
ang saya..
oh paano?
paluwas na ko papuntang manila..
sa susunod na ulit ha?
next sem na ulit.. :)
Sunday, October 18
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
huwaw nman.. andrama aa.. wahahaha.XD astig ung prof na nanjan agad pag may shot.. wahaha.. watever with wings.XD
weeee.:D
hahhaha... p******! i hate you forever.. hahahaha..!! nakakamiss diba..
Post a Comment