I made this short story for my Filipino Class..
I still need a title..somehow some of you guys can figur one out for me..advance thanks!
..muah muah!!
----title please----
Ni: Remilyn Cruz
Matagal-tagal na rin noong huli kong masilayan ang bahay namin, walong taon na ang nakakaraan noong umalis ako. Naaalala ko pa ang sakit noong tinatrato ako ng parang hangin ng aking pamilya.
Nag simula ang lahat sa pag-kakasundo ng aking Lolo sa Mommy ko na ipakasal kay Dad. Noon ay naikwento sa akin ng aking tagapag-alaga, na si Yaya Leding, ang pagtanggi ni Mommy sa kasal nila. Tinangka daw ni Mommy na lumayas ngunit noong gabi na gagawin na niya ito ay may ginawang kasala-sala sa kanya si Dad.
Nagbunga ito ng kambal; Isang babae at isang lalaki, ako at ang aking kapatid na si Leo. Hindi ako gusto ni Dad, dahil sa kanya ay malas ang pagkakaroon ng anak na babae. Laging nababaling kay Leo ang lahat ng kanilang mga mata, hindi nila napapansin na unti-unti na kong nawawala sa pagbibigyan nila ng importansya. Kapag may gusting bilhin si Leo ay lagging masusunod ngunit kapag ako naman ang humihiling ng kahit isang bagay lang ay hinding-hindi nila maibigay.
Noong unang taon ko sa Sekondaryang Paaralan ay tinangka kong umalis sa aming bahay ngunit nahuli ako ni Mommy. Hindi namin sinabi kay Dad and mga pangyayari dahil alam ni Mommy na sasaktan lang niya ako. Naikwento ko kay Yaya Leding ang nangyari, ito ang kapalit ng pag-kwento niya sa akin tungkol sa pinagkasundong kasal; Ipinangako naming sa isa’t-isa na walang lalabas sa aming pinagusapan.
Habang tumatagal ay lalong hindi na ko nabibigyang pansin ni Dad, hindi na din ako nakakausap ni Mommy dahil siya ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay. Pinaalis na nga pala si Yaya Leding, isinumbong kasi siya ni Leo ngunit hindi naman totoo. Naniniwala lagi si Dad kay Leo, hindi maaring hindi, laki sa layaw na siya; Ngunit ako ay ni hindi a naibibili ng kahit anong bago.
Sa taon ng aming pagtatapos, si Yaya ang pinapunta ko para mag-sabit sa akin ng medalya, Valedictorian ako. Madaming nag-aalok ng scholarship, tumanggap ako ng scholarship sa University of Scholars sa California. Naisip kong lumayo nalang sa pamilya ko kaysa marinig ko nanaman ang mga katagang, “Sa Ateneo de Manila University natin papasukin si Leo, at ung anak mo naman bahala na siya. Matalino daw siya, hindi ba?” Iyan ang lagging sinasabi ni Dad kay Mommy kung tinatanong kung saan ako mag-aaral ng kolehiyo. Wala na kong narinig mula sa aking pamilya magmula noong umalis ako.
Naging maganda ang buhay ko sa California, nakakilala ako ng isang French, si Charles de Gaulle. Hindi ko inaasahan na magkakaroon siya ng pagtingin sa akin. Pumayag ako na maging magkasintahan kami ngunit hindi nagtagal ay inaya ako na magpakasal sa kanya. Tumanggi ako dahil hindi pa ako tapos mag-aral, tinanong ko siya kung mahihintay pa niya ako; Kaya daw niya mag-hintay at walang mag-babago sa pagmamahal niya. Nagkaroon ako ng matinding sigla at ginawa lahat ng makakaya para sa aking pag-aaral.
Sa pagkakataong iyon, nadiskubre ko na mahal ko siyang talaga at sabay ko nang pinasalamatan ang Panginoon dahil mayroong isang tao na nagbibigay ng pag-papahalaga sa akin. Hindi ko maiikumpara ang saya ng pagkakaroon ng isang taong nag-bibigay sa akin ng malaking importansya at nadama ko na rin sa wakas ang pakiramdam ng pagiging espesyal sa mata at puso ng isang tao.
Ngayong taon lamang ay isang ganap na abogado na ako; Lisensyado at Top 12 sa board exam. Nakapag-hintay nga si Charles, matapos ng linggo mula sa aking pagtatapos ay inaya niya ulit akong magpakasal. Pumayag na ako at ipinilit na sa Pilipinas ito ganapin.
Nandirito ako sa harap ng dati kong tirahan, hindi malaman kung itutuloy ba ang napag-tantuang gawin. Sino ang nakikita ko? Si Yaya Leding, tumatakbo papunta sa akin, napa-iyak ako sa tuwa dahil bumalik na pala siya sa bahay. Pinapasok na niya ko, nandoon si Mommy na mukhang kaka-iyak pa lamang, ngunit parang wala si Dad, wala rin si Leo. Nang aking maitanong kung ano ang nang-yari, umiyak nalang si Mommy at ikinwento ni Yaya ang lahat. Nakabuntis si Leo at pinalayas na siya ni Dad, hindi ko akalain na magagawa ni Dad sa paborito niyang anak ang bagay na iyon. Si Dad naman daw ay nasa opisina at minsan ay hindi umuuwi sa gabi. Hindi ko na alam ang gagawin, ibinigay ko nalang ang imbitasyon at pilit na hinila si Yaya papunta sa tinitirhan ng aking kakambal.Sa kabilang kanto lang pala, inaya ko siya sa aking kasal at pumayag naman siya.
Araw na ng aking kasal, tama bang umasa ako sa pag-dating nila?
Sa oras ng paglabas ko ng limousine na naghatid sa akin sa simbahan, tumulo nalang ang aking luha dahil mag-kakatabi sila at si Dad katabi ni Charles sa gilid ng altar. Matapos ang kasal ay nagusap kami ni Leo, nang-hingi siya ng pasensya sa lahat ng nangyari noon at tinanong kung maaari pa bang mag-simula muli at walang alinlangan akong pumayag at niyakap ko ang aking kakambal.
Nag-pasya kami ni Charles na manatili na lamang dito sa Pilipinas. Pinalaki namin ang lumang bahay at ngayon, ay sama-sama na kami sa isang tirahan, isang buong pamilya na kami. Sa wakas, naramdaman ko na rin ang pagkakaroon ng isang buong pamilya.
2 comments:
gurl maganda sya infairness pero may mga part na redundant.. like nun sa part na kpag may gusto si leo na lang sya ang nasusunod at may bago.. basta dun.. tska an bilis nun recession.. =p tapus agad.. ehehe.. pero ok naman xa.. ^^
title?
balintanaw?.. nyahaha!
Pagbabalik? o Pagpapasensya?... iyan ang naisip ko na title...
ganda ng story ah... I lub it...
comment ko lang... parang hindi naman masyadong natukoy sa storya mo ung pagkakilala ng dad mo kay Charles...
4.8/5
Post a Comment